Mi Deerma Vacuum Cleaner DX700

3 years ago
4

Another pambahay unboxing! Tatlo na ang vacuum cleaners namin! Yung Stanley, ginagamit siya pang-vacuum ng loob ng car. Yung Mi Robot Vacuum Cleaner, ginagamit tuwing bored kasi mejo matagal siyang gamitin. Pero itong Mi Deerma Vacuum Cleaner, mas pulido ang paglilinis. Yung mga sulok na hindi kayang abutin ni Mi Robot, kayang-kaya ni Deerma at hindi mo na kailangan pang hintayin na madaaanan niya yung dumi bago malinis.

Minsan kasi, nalalampasan ni Mi Robot yung ibang dumi kaya uulit-utin pa or wawalisin ko nalang para mabilis. Ang maganda pa kay Deerma, pwede sa sofa mismo at sa mga singit-singit nito. Pwede rin sa mga corners ng kisame at sa kung-saan-saan pa. Pero huwag kalimutan na pahingahin ng kahit 15 minutes every 30 minutes na gamit para hindi mag-overheat.

Natuwa rin ako sa dust box niya kasi madaling tanggalin, mabilis linisin at madaling ibalik. Yung sa Stanley kasi, mejo effort ang pagtatanggal ng mga na-vacuum na dumi. Mas madali rin gamitin ito dahil wala nang mga seremonyas sa pag-set up nito. Isaksak mo lang, ready to use na agad! Madaling linisin ang mga dapat linisin at mas hindi nakakatamad gamitin.*

*********************************

If you want us to feature something else, let us know. Pasosyal101 will be funding the regular giveaways with our YouTube earnings so keep watching those ads!

Feeling generous today? If you enjoyed this video, show some love.
Magpa-Gcash ka naman jan!
09684186765

Ay na-send! Charot!

****************************
YouTube: http://www.youtube.com/c/Pasosyal101
Facebook: https://www.facebook.com/pasosyal101/
Instagram: https://www.instagram.com/pasosyal_101/
Email: sirenspeaks@gmail.com
Patreon: https://www.patreon.com/pasosyal101
****************************

#Pasosyal101 #Deerma #MiDeerma #DeermaDX700

Loading comments...