FEBRUARY 21, 2022 | Nasaan Ang Mga Tinawag ang Diyos? | MarlonB.

2 years ago
43

-Lahat po tayo ay may kanya-kanyang pagkatawag sa Diyos.. Kaya nga po patuloy tayong binibilinan ng mga Pastor po natin, kagaya po ng naituro po sa atin last Anniversary sa (Eph. 5:17) "Huwag kayong maging hangal. Unawain ninyo kung ano ang kalooban ng Panginoon."

-Sinabi ng Diyos na unawain natin ang Kalooban ng Diyos, dahil tayo ay mga Kristiyanong tinawag ng Diyos upang sundin ang Kanyang kalooban..

-Ang Diyos ay hindi nagbabago ng isip ang Diyos ng Kanyang kaloob at pagkatawag sa atin.. (Rom. 11:29)
"Sapagkat hindi nagbabago ng isip ang Diyos tungkol sa kanyang mga kaloob at pagtawag." Kung nararamdaman mo na may pagkatawag ka sa Diyos, Sundin mo!

Eto po yung topic ntin ngayon..
"Nasaan ang mga tao na tinawag ng Diyos?
..Naroon, nagkanya-kanyang takas.
Mayroong mga sariling pangarap."
(Luke 14:16-21)

(v.16-17)
-Ang Diyos maraming inihanda para sa Kanyang mga tinawag, handaan ito.. meaning "Blessing" ito sa mga tinawag at ang Diyos ay nag-iimbita ng mga Kristiyanong nais Niyang makalasap ng sarap ng buhay dahil sa sila ay tinawag ng Diyos..

(v.18)
-eto tinawag na ito ay may nabiling bukid (business-minded) tinawag ng Diyos para maglingkod sa Kanya, ang laki-laki ng pangarap ng Diyos sa kanya.. Baka nga hindi lng bukid ang ibigay ng Diyos sa kanya, baka mas malaki pa sa bukid na kaloobang ng Diyos sa kaniya.. kaso hindi tumugon sa pagkatawag, dahil may sarili pang pangarap.. tumakas kasi inaakala niya na mas mabuti ang pangarap niya kaysa sa Pangarap ng Diyos..

-Panigurado, kaya siyang bigyan ng Diyos ng bukid na hindi niya kailangan gumastos at magpagod.. hindi mo kailangan tanggihan ang pagkatawag mo, kung alam mong tinawag ka ng Diyos.. Kasi maari mong makuha sa Diyos ang mga bagay na pangangailangan pati mga bagay na gusto mo na magiging masaya ka.. Bkit kailangan ipagapalit mo ang malaking pagkatawag ng Diyos sayo para lng sa bukid..?

-Kung alam lang natin yung lungkot na nararamdaman ng Diyos every time na tumatanggi tayo sa pagkatawag Niya..

(v.19)
-eto nmn may limang pares na baka at susubukan niya sa bukid.. minsan ganito kay Lord.. "Lord, alam ko nmn ung calling pero ittry ko lng nmn na pumasok sa ganito po, malay mo nmn Lord diba..?"

-minsan dinadaan po ntin ang Diyos, ttry ko lng Lord, susubukan ko lng Lord pero alam mo na taliwas sa pangarap ng Diyos para sayo.. minsan tinatry ntin na pa'Oo'hin nlng ang Diyos sa bagay na gusto natin or pangarap.. Kaya minsan akala mo, perfect will pa Niya pero hindi ntin alam, permissive will n pla.. yung tipong hinahayaan ka nlng ng Diyos n gawin ung gusto which sana may magandang salu-salo na inihanda ang Diyos para sayo.. Sayang nmn..

(v.20)
-eto nmn.. imagine kakakasal lng.. kaya nga mga kapatid seryosong bagay ang paglilingkod sa Diyos.. Regardless kung may bukid ka, may 10 baka ka.. or kahit kakasal mo lng.. basta tinawag ka ng Diyos, tinawag ka ng Diyos..

-etong kakasal na ito, siguro maganda ang pangarap niya para sa family niya or gusto na niyang magkapamilya..
Mga kapatid, hindi ka nmn pipigilan ng Diyos na magkapamilya.. for sure kung sila ang God's will, napakaganda ng Love story na inilaan ng Diyos para sa kanila na KASAMA ANG DIYOS.. hindi ung sila lang..

-Nakakalungkot lng isipin na baka itong taong ito na kakakasal lng ay malaki ang pagkatawag sa Diyos pero iniwan ang calling dahil sa pangarap na magka-love life.. baka nga maging ung kasal nila ay permissive will ndin..

-Siguro maiisip po ntin agad, Madamot ba ang Diyos?
Kasi meron Bukid, 10 baka, even ung kakakasal lng.. tatawagin pa Niya? Siguro sinasabi natin, hindi ba naiisip ng Diyos ung pangarap ko..

or baka nmn tayo ang madamot sa Diyos? At hindi mo naiisip ung napakagandang pangarap Niya para sayo..? Check po ntin yan.. Ang Diyos ba ang madamot o ikaw?

-tinawag tayo ng Diyos at ang laki ng pangarap ng Diyos para sa atin.. naalala ko po ung tinuturo po samin sa training, sakto malapit na ang training.. sabi noon ni Pastor Boy, "Simula ng malaman mong may pagkatawag ka sa Diyos, wala ka ng sariling pangarap.. ung "principles of discipleship.." self-denial, renunciation, leaving all, steadfastness, fruitfulness.."

-so Ibig sabihin ba wala ka ng pangarap? Like ako po? Wala na akong pangarap? May pangarap padin po ako.. eh ano un..?

"Ang pangarap ko na ngayon ay sundin ang pangarap ng Diyos para sakin.."
-Hindi ka nmn inalisan ng Diyos na mangarap, ang gusto lang Diyos dahil tinawag ka Niya, pangarapin mo kung ano ang pangarap Niya para sayo..

-Huwag natin iwan ang calling natin, huwag natin takasan ang pagkatawag ng Diyos sa buhay natin.. Huwag natin ipagpalit sa sarili nting pangarap ang pagkatawag ng Diyos sa atin, kasi mas malaki ang pangarap Niya para sa atin..

Loading comments...