TOM'S WORLD | Robinsons Galleria

2 years ago
23

Nung bagets pa lang kami, Robinsons Galleria ang mall ng mga mejo sosyal. Kasi nung mga panahon na yun, Manuela ang tambayan ng masa. Pero pumupunta pa rin naman kami sa Manuela dati kasi maganda pa naman siya noon kahit papano. By the, Manuela ang name ng Starmall nung 90's. Yung mga mas sosyal na mall, nasa Makati sa Ayala Center. Pero since mejo malayo ang Makati, sa Robinsons Galleria talaga kami mas madalas noon. At dahil bata, syempre sa arcade ang punta namin palagi. Hindi ko sure kung Tom's World na ba ang name niya dati pero parang iba at hindi ko lang matandaan.

Fast forward to 2022, muling nagbukas ang Tom's World to welcome everyone back under the new normal. Mejo nostalgic ang pakiramdam pero syempre, parang may iba dahil hindi na tayo sanay sa matataong lugar. Yung nagiging introvert tayo bigla pag-labas ng mga bahay natin. Ang seselan. Ayaw madikitan at ayaw maamoy ang iba. Alcohol maya't-maya hanggang mangulubot at magsugat na ang mga kamay. Okay lang yun kasi mas mabuti na ang sigurado sa mga panahon ngayon.

**********************************

If you want us to feature something else, let us know. Pasosyal101 will be funding the regular giveaways with our YouTube earnings so keep watching those ads!

Feeling generous today? If you enjoyed this video, show some love.
Magpa-Gcash ka naman jan!
09684186765

Ay na-send! Charot!

****************************
YouTube: http://www.youtube.com/c/Pasosyal101
Facebook: https://www.facebook.com/pasosyal101/
Instagram: https://www.instagram.com/pasosyal_101/
Email: sirenspeaks@gmail.com
Patreon: https://www.patreon.com/pasosyal101
****************************

#Pasosyal101 #TomsWorld #RobinsonsGalleria

Loading comments...