Greenhills Night Market 2021

3 years ago
13

Siguro, excited lang ang karamihan na makapunta ulit sa Greenhills Night Market. Hindi ko sure kung nagkaroon last year ng Greenhills Night Market kasi hindi masyadong nabalitaan. Pero nagkataon naman na pinayagan na ang mga kabataan na makalabas at makapasyal ngayong Level 2 nalang. Mas ma-traffic, mas maraming tao.

Hindi ako nagmamalinis. Natutuwa ako na mas maluwag na ngayon ang paligid lalo na sa mga negosyong nagsisimula ulit bumawi. Pero hindi ko talaga kayang tumagal sa mataong lugar ngayon dahil sa lagim.

Sabi nila, lahat daw ay tatamaan ng lagim. Ang tanong nalang ay kailan. Pero kailangan pa bang malaman kung totoo nga yun? Hindi ba pwedeng patunayan natin na mali ang sinasabi nila na lahat ay mahahawahan? Pwede namang hindi, diba?

Hindi ko sinasabi na SANA hindi ako mahawa sa lagim. Ang sinasabi ko, DAPAT hindi. Marami na akong mga kaibigan at kamag-anak na nagkaroon. May ilan-ilan na namatay at dapat, tama na yun. Quota na sa totoo lang.

**********************************

If you want us to feature something else, let us know. Pasosyal101 will be funding the regular giveaways with our YouTube earnings so keep watching those ads!

Feeling generous today? If you enjoyed this video, show some love.
Magpa-Gcash ka naman jan!
09684186765

Ay na-send! Charot!

****************************
YouTube: http://www.youtube.com/c/Pasosyal101
Facebook: https://www.facebook.com/pasosyal101/
Instagram: https://www.instagram.com/pasosyal_101/
Email: sirenspeaks@gmail.com
Patreon: https://www.patreon.com/pasosyal101
****************************

#Pasosyal101 #GreenhillsShoppingCenter #GreenhillsNightMarket

Loading comments...