Tuesday Prayer and Bible Study Missionary Frank Williams David at Ziklag

3 years ago
37

1 Samuel 30:22 -22 Nang magkagayo'y (P)sumagot ang lahat ng masamang tao, at mga tao na hamak, sa mga yumaong kasama ni David, at nagsabi, Sapagka't hindi sila yumaong kasama namin, hindi namin bibigyan sila ng samsam na aming nabawi, liban sa bawa't lalake ay ang kaniyang asawa at ang kaniyang mga anak, upang kanilang dalhin, at yumaon.
23 Nang magkagayo'y sinabi ni David, Huwag ninyong gagawing gayon, mga kapatid ko, sa ibinigay sa atin ng Panginoon, na siyang nagadya sa atin, at nagbigay sa ating kamay ng pulutong na naparito laban sa atin.
24 At sino ang didinig sa inyo sa bagay na ito? (Q)sapagka't kung gaano ang bahagi ng lumusong sa pakikipagbaka, ay gayon ang bahagi ng naiwan (R)sa daladalahan: sila'y paraparang magkakabahagi.
25 At nagkagayon, na mula sa araw na yaon, na siya'y gumawa ng isang palatuntunan at ayos sa Israel, hanggang sa araw na ito.
26 At nang dumating si David sa Siclag, siya'y nagpadala ng mga samsam sa mga matanda sa Juda, sa makatuwid baga'y sa kaniyang mga kaibigan, na sinasabi, Narito, ang isang (S)kaloob sa inyo na mula sa samsam sa mga kaaway ng Panginoon;
27 Sa kanila na nasa (T)Beth-el, at sa kanila na nasa (U)Ramoth ng Timugan, at sa kanila na nasa (V)Jathir;
28 At sa kanila na nasa Aroer, at sa kanila na nasa Siphmoth, at sa kanila na nasa (W)Esthemoa;
29 At sa kanila na nasa Rachal, at sa kanila na nasa mga bayan ng mga (X)Jerameelita, at sa kanila na nasa mga bayan ng mga (Y)Cineo;
30 At sa kanila na sa (Z)Horma, at sa kanila na nasa Chorasan, at sa kanila na nasa Athach;
31 At sa kanila na nasa Hebron, at sa lahat na dako na karaniwang pinaroroonan ni David at ng kaniyang mga lalake.

Loading comments...