Proteksiyon ng Diyos sa Panahon ng Pandemic | AUGUST 29, 2021 | PastorB.

3 years ago
1

1 CORINTO 11:23-32
23 Ito ang aral na tinanggap ko sa Panginoon at ibinibigay ko naman sa inyo: ang Panginoong Jesus, noong gabing siya'y ipagkanulo ay dumampot ng tinapay,
24 nagpasalamat, at pinagpira-piraso ito, at sinabi, "Ito ang aking katawan na inihahandog para sa inyo. Gawin ninyo ito bilang pag-aalaala sa akin."
25 Gayon din naman, matapos maghapunan ay hinawakan niya ang saro at sinabi, "Ang sarong ito ang bagong tipan na pinagtitibay ng aking dugo. Tuwing iinumin ninyo ito, gawin ninyo bilang pag-aalaala sa akin."
26 Sapagkat tuwing kakain kayo ng tinapay na ito at iinom sa sarong ito ay ipinahahayag ninyo ang kamatayan ng Panginoon, hanggang sa muling pagparito niya.
27 Ang sinumang kumakain ng tinapay at umiinom sa saro ng Panginoon nang di nararapat ay nagkakasala sa katawan at dugo ng Panginoon.
28 Kaya, dapat siyasatin ng tao ang kanyang sarili bago kumain ng tinapay at uminom sa saro. 29 Sapagkat ang sinumang kumakain at umiinom nang hindi pinahahalagahan ang katawan ng Panginoon, ay kumakain at umiinom ng hatol sa kanyang sarili.
30 Ito ang dahilan kung bakit mahihina at masasaktin ang marami sa inyo, at may ilang namatay na. 31 Kung sisiyasatin muna natin ang ating sarili, hindi tayo hahatulan ng Panginoon.
32 Ngunit kung hinahatulan tayo ng Panginoon, tayo'y itinutuwid niya upang hindi tayo maparusahang kasama ng sanlibutan.

Loading comments...