Premium Only Content
Purchased by Christ for His glory | APRIL 14, 2021 | Rina
corinthians 6:20
Katatapos lang po halos ng ating mini camp.. 😊
Alam nyo po hanggang ngaun ay na b-bless pa din po kami sa mga narinig po namin sa camp. Marami po tayong natutunan and for sure po marami po sa atin ang napalakas.
May tinanong po c pastora Ely nung nakaraang mini camp po, kung maaalala po natin. Ang sabi po niya.. " sa panahon ngaun na punong puno ng pangamba at takot, kung tatanungin mo ang mga tao kung gusto nilang maligtas sa aksidente ng kamatayan, sigurado po ang isasagot po nila ay 100 % na YES.
Pero kung idadagdag at saabihin sakanila na may presyo o may halaga ang kaligtasan na inooffer, lahat kaya ay sasagot ng YES? O aalamin muna nila kung magkano ang eksaktong halaga nito?
Ikaw po ba? May bayad ba yung kaligtasan na natanggap mo?
*may isang maikling illustration po si pastor boy na naikwento po niya noong July Camp 2010, tagal na po ano?, pero hindi ko po makalimutan. Ang sabi po nya, " isang araw nag usap usap ang Dios Ama, Dios Anak at Dios Espiritu Santo. Ang sabi dw po ng Dios Ama "lalangin natin ang tao." Ang sabi po ng Dios Espirito Santo "magkakasala ang tao" sumagot po ang Dios Anak "handa akong mamatay para sakanila".
Napanuod po natin ang Passion of the Christ, napakinggan po natin ang medical aspects ng cruxifiction ng ating Panginoong Hesus mula kay Pastora Doctora Jeanne Anne. Hindi po madali, hindi po biro ang pinagdaanan ni Jesus. Hindi po naging Simple ang pagkamatay ni Jesus.
-emotionally hurt, pumuputok na ung ugat niya sa sobrang hirap, duguan at sugatan ang buong katawan niya. Lahat po yun ay tiniis ng ating Panginoon. (1 Peter 2:24) .
Ang tiniis po ni Jesus ay hindi parang pagtitiis sa sakit ng daliri na naipit sa pintuan. Hindi din po ito parang pagtitiis sa hapdi ng sugat na nabuhusan ng alkohol. Hindi din po ito katulad ng pagkapahiya po natin kapag hindi po tayo pinapansin ng mga tao na gusto po nating sheran.
Roma 6:23
Ang kabayaran ng kasalanan ay kamatayan. Ngunit ang kaloob ng Diyos ay buhay na walanghanggan sa pamamagitan ng ating Panginoong Jesus...
Rina Verin sent Yesterday at 4:53 PM
Malaki ang binayad ni Jesus, para sayo at para sa akin. You were bought with a price..
Ang kaligtasan po natin ay kamatayan ni Jesus.
Sa Hebreo 10:7
"Akoy narito, o Diyos, upang sundin ang iyong kalooban."
Sa mundo palagi po natin naririnig ang "freewill" kalayaang piliin kung ano ang nais mong gawin. Nasa demokrasyang bansa po tayo..kalayaang bumoto, Kalayaang maghayag, kalayaang magmahal ng kung sino ang gusto mo... Malaya kang gawin kung ano ang nais mo...
Hindi po ganun ang ngyari ky Jesus..
Malimit po nating mabasa na sinasabi ni Jesus sa bible, "naparito ako para gawin ang pinapagawa ng aking Ama." "Wala akong ginagawa ng hindi sinabi ng Ama".
Si Jesus po ang greatest model of obedience po natin. Kasi hindi cya namili ng susundin, sinunod niya lahat, mula sa mga sugat at latay, sa pagbuhat at pagkapako sa krus at hanggang kamatayan. Pumunta din cya ng impierno para hindi na tayo magpunta dun.. Eto po ang naging kabayaran sa ating kaligtasan.
Pumayag po si Jesus na bayaran ang halaga ng kaligtasan po natin, upang hindi na tayo mamuhay sa kasalanan, upang hindi na tayo mamuhay sa sakit at karamdaman, upang hindi na tayo mamuhay sa kahirapan, binanggit po ni pastor boy nung linggo na inalis na na tayo sa kaharian ng kadiliman at inilipat sa kaharian ng Dios..
Buhay, pangarap, desire ng ating Panginoong Jesus ang naging kabayaran ng kaligtasan ko at kaligtasan mo..
You were bought with a price.
Binili na tayo ng ating Panginoong Jesus. Ang buhay po natin ay hindi na natin pag aari. Hindi na po natin pwedeng maging prinsipyo ung " buhay ko to, walang sinuman ang pwedeng magsabi kung ano ang gagawin ko dito. "
Halimbawang bumili ka ng iphone.. Binayaran mo ng Cash, yung pinambayad mo dun ang inipon mo pa. Maraming milktea ang tiniis mo. Pinigilan mong huwag munang mag check out sa lazada para mabili mo ung iphone. Kaya naman nung naipon mo na, binayaran mo ng cash ung iphone.. Nung pagbigay mo ng bayad , ineexpect mo na makukuha mo un, at dahil bayad na inaasahan mo na mahahawakan mo na yun at pupunuin mo ng 1000 na selfies.. 🤣 pero biglang sabi ng tindera "ai sir|maam one week po muna sakin ung phone ha, ako muna po ang gagamit, pakibalikan na lang po next week. " ano kaya ang reaksyon mo?
-ang dami ko pong naiisip na scene...
Anyways, binili mo yun, binayaran mo yun. Ikaw ang may karapatan dun at hindi yung saleslady...
So then... Honor God ang bring Glory to Him..
Nag iisa lang po ang buhay natin, pag namatay po tayo, authomatic judgement, hindi po tayo magkakaron ng pangalawang buhay.. Sobramg prescious ng buhay mo, kaya nga binili ni Jesus para hindi masayang... Tigilan mo na ang makamundong bagay, it wont last... Maging matalino po tayo.
-
5:17
WMAR
3 years agoPlexaderm - April 1, 2021
2.63K -
5:17
WMAR
3 years agoPlexaderm - April 1, 2021
754 -
5:07
WMAR
3 years agoPower Swabs - April 14, 2021
12 -
5:17
WMAR
3 years agoPlexaderm - April 12, 2021
235 -
2:28
Erick Kroll
3 years agoChrist Whose Glory Fills the Skies
38 -
5:06
WMAR
3 years agoPower Swabs - April 9, 2021
197 -
3:40
WKBW
3 years agoPower Swabs - April 8 2021
1731 -
5:15
WMAR
3 years agoPlexaderm Skincare - April 2021
123 -
59:26
WMAR
3 years agoGrace and Glory 4/4/2021
4861 -
4:13
WMAR
3 years ago50 Floor - April 2021
26