Holy Week Meeting | APRIL 3, 2021 | PastorB.

3 years ago
1

Filipos 3:10
0Ang tanging hangarin ko ngayon ay lubusang makilala si Cristo, maranasan ang kapangyarihan ng kanyang pagkabuhay na mag-uli, makihati sa kanyang mga hirap, at matulad sa kanya---pati sa kanyang kamatayan---

Hebreo 11:35
5Dahil sa pananalig sa Diyos, ibinalik sa mga babae ang kanilang mga patay matapos buhaying muli. mga tumangging palayain, sapagkat pinili nila ang mamatay sa pahirap upang muling buhayin at magtamo ng mas mabuting buhay.

Roma 6:5
Sapagkat kung nakaisa tayo ni Cristo sa isang kamatayang tulad ng kanyang kamatayan, tiyak na makakaisa niya tayo sa isang muling pagkabuhay tulad ng kanyang pagkabuhay.

Roma 8:36
Ayon sa nasusulat,
"Alang-alang sa iyo, nanganganib kaming mamatay sa buong maghapon.
Ibinibilang kami na mga tupang papatayin."

Mateo 16:25
Ang naghahangad na magligtas ng kanyang buhay ay siyang mawawalan nito; ngunit ang mag-alay ng kanyang buhay alang-alang sa akin ay siyang magkakamit noon.

Filipos 3:8
Oo, inari kong kalugihan ang lahat ng bagay bilang kapalit ng lalong mahalaga, ang pagkakilala kay Cristo Jesus na aking Panginoon. Ang lahat ng bagay ay ipinalagay kong walang kabuluhan makamtan ko lamang si Cristo,

1Pedro 4
12 Mga minamahal, huwag ninyong pagtakhan at ituring na di pangkaraniwan ang mabibigat na pagsubok na inyong dinaranas.
13 Sa halip, magalak kayo sa inyong pakikihati sa mga hirap ni Cristo, at magiging lubos ang inyong kagalakan kapag nahayag ang kanyang kadakilaan.
14 Mapalad kayo kapag kayo'y inalipusta dahil kay Cristo, sapagkat sumasainyo ang dakilang Espiritu, ang Espiritu ng Diyos.
15 Huwag nawang mangyaring maparusahan ang sinuman sa inyo bilang mamamatay-tao, magnanakaw, salarin o mapanghimasok sa di niya dapat panghimasukan.
16 Ngunit huwag ikahiya ninuman kung siya'y maparusahan dahil sa pagiging Cristiano. Bagkus magpasalamat siya sa Diyos sapagkat taglay niya ang taguring ito.

Mateo 20:23
Sinabi ni Jesus, "Ang hirap na babatahin ko'y babatahin nga ninyo.b Ngunit wala sa akin ang pagpapasiya kung sino ang mauupo sa aking kanan at sa aking kaliwa. Ang mga luklukang sinasabi ninyo'y para sa mga pinaghandaan ng aking Ama."

Roma 6
3 Hindi ba ninyo nalalaman na tayong lahat na nabautismuhan kay Cristo Jesus ay nabautismuhan sa kanyang kamatayan?
4 Samakatwid, tayo'y namatay at nalibing na kasama niya sa pamamagitan ng bautismo upang kung paanong binuhay na muli si Cristo sa pamamagitan ng dakilang kapangyarihan ng Ama, tayo nama'y mabuhay sa isang bagong pamumuhay.
5 Sapagkat kung nakaisa tayo ni Cristo sa isang kamatayang tulad ng kanyang kamatayan, tiyak na makakaisa niya tayo sa isang muling pagkabuhay tulad ng kanyang pagkabuhay.

Roma 8
17 At yamang mga anak, tayo'y mga tagapagmana ng Diyos at kasamang tagapagmana ni Cristo. Sapagkat kung tayo'y nakikipagtiis sa kanya, tayo'y dadakilain ding kasama niya.
29 Sapagkat sa mula't mula pa'y alam na ng Diyos kung sino ang sa kanya; ang mga ito'y itinalaga niyang maging tulad ng kanyang Anak, at sa gayon, naging panganay natin siya

Loading comments...