To Die is Gain | MARCH 30, 2021 | Judah

3 years ago
24

Ang pagkakaroon natin ng relasyon sa Diyos ay hindi lamang basta naguumpisa at natatapos lang din sa pagtanggap sa Kanya bilang Diyos at tagapagligtas.

• pagpatay sa dating buhay

Romans 12:1-2
1 [Pamumuhay Cristiano] Kaya nga, mga kapatid, alang-alang sa masaganang habag ng Diyos sa atin, ako'y namamanhik sa inyo: ialay ninyo ang inyong sarili bilang handog na buh'ay, banal at kalugud-lugod sa kanya. Ito ang karapat-dapat na pagsamba ninyo sa Diyos.

2 Huwag kayong umayon sa takbo ng mundong ito. Mag-iba na kayo at magbago ng isip upang mabatid ninyo ang kalooban ng Diyos--kung ano ang mabuti, nakalulugod sa kanya, at talagang ganap.

- Ang nais ng Diyos ay ang pagsurrender mo ng iyong buhay.

1 Peter 4:1-3
1 [Panibagong Buhay] Yamang si Cristo'y nagbata ng hirap sa buhay na ito, kayo man ay dapat maging handa sa pagtitiis. Sapagkat ang nagtitiis ng hirap sa buhay na ito ay tumalikod na sa pagkakasala.

2 At ang pinag-uukulan niya ng buong panahon sa buhay na ito ay ang kalooban ng Diyos, at hindi ang mga pinakamimithi ng tao.

3 Sapat na ang panahong inaksaya ninyo sa paggawa ng mga bagay na kinahuhumalingan ng mga di kumikilala sa Diyos: kahalayan, masasamang pita ng laman, paglalasing, walang taros na pagsasaya, mga pag-iinuman, at karima-rimarim na pagsamba sa mga diyus-diyusan.

- May mga bagay na kailangan nating bitawan. Hindi na tayo nakadepende sa kung ano ang uso, ano ang swak or in para sa mundo. Dapat ay may pagkatuto ng supilin ang udyok ng laman at may pagsusumiksik na sa pagsunod sa kalooban ng Diyos.

-Ang nais ng Diyos ay mamuhay ka para sa Kanya. Minsan irerequire sayo ang pagpatay sa pride mo.
Pagpatay sa fleshly desires, at minsan pagpatay sa pangarap mo, upang mapangalagaan ang relasyon natin sa Kanya.

V.4
Nagtataka nga sila kung bakit hindi na kayo sumasama ngayon sa kanilang magulong pamumuhay; kaya nilalait nila kayo.

• dadating ang paguusig

Matthew 10:21
21 Ipagkakanulo ng kapatid ang kanyang kapatid upang ipapatay; gayon din ang gagawin ng ama sa kanyang anak. Lalabanan ng mga anak ang kanilang mga magulang, at ipapapatay.

John 15:19-20
19 Kung kayo nga'y sa sanlibutan, iibigin kayo nito bilang kanya. Ngunit yamang hindi kayo sa sanlibutan, kundi pinili ko kayo mula rito, ito'y napopoot sa inyo.

20 Alalahanin ninyo ang sinabi ko sa inyo: walang aliping higit kaysa kanyang panginoon. Kung ako'y inusig nila, uusigin din nila kayo; kung tinupad nila ang aking salita, tutuparin din nila ang salita ninyo.

-nauna na tayong mahalin ng Diyos bago pa natin Siya mahalin, at nauna na Niyang maranasan ang pahihirap bago pa natin maranasan

John 15:18
18 Kung napopoot sa inyo ang sanlibutan, dapat ninyong malamang napoot na ito sa akin bago sa inyo.

-Jesus Himself was mocked and beaten. He suffered and died on behalf of us sinners.

â–ªmovie : Tortured For Christ

~Kaya mo bang talikuran ang dating ikaw?
~Kaya mo bang magtiis?
~Kaya mo bang mamatay para sa Diyos?

-God calls blessed those that follow in His name's sake...

Mark 13:13
...You will be hated by all for my name's sake. But the one who endures to the end will be saved.

-...dahil sa kabila ng lahat ng pagtitiis at persecution ay may kaligtasan.

Sabi ni Pablo:
Phil 1:20-21
20 Ang aking pinakananais at inaasahan ay huwag akong magkulang sa aking tungkulin, kundi magkaroon ako ng lakas ng loob sa lahat ng panahon upang, sa mabuhay o sa mamatay, mabigyan ko ng karangalan si Cristo.

21 Sapagkat para sa akin si Cristo ang buhay at dahil dito'y pakinabang ang kamatayan.

- Someday makikita mo ang bunga ng pagtitiwala mo ng buhay mo sa Panginoon at patuloy na paglaban mo ng relasyon mo sa Diyos.

Nauna ng naranasan ng Diyos ang lahat ng ito, dahil nauna na rin Niyang mapagtagumpayan ang lagat para sa atin.
-He has overcome the world.

Isaiah 41:10
10 So do not fear, for I am with you; do not be dismayed, for I am your God. I will strengthen you and help you; I will uphold you with my righteous right hand.

Loading comments...