Follow God and Enjoy Peace Like a River | JAN 26, 2021 | Mehanne

3 years ago
42

Isaiah 48:17-18

I.
-Magandang hapon po sa bawat nanonood 😊
-Kamusta na po kayo? 😊
-Pinag aaralan po natin ngayon dito sa facebook live kung paano sumunod sa guidance ng Diyos sa atin.
-Naituro nga po sa atin ng ating mga pastor na dapat marunong tayong makinig at sumunod sa sinasabi sa atin ng Holy Spirit.
-Nagbigay din po sila ng mga kwento kung paano po sila ginabayan ng ating Panginoon. Amen
-At sabi nga po ni Pastora Dianne sa atin kahapon, "Ang galing at tagumpay ng isang Kristiyano ay nasa abilidad nyang makinig at sumunod agad sa udyok ng Espiritu ng Diyos sa kanya."

II.
Ngayon po ituloy po natin ang pag aaral na ito at nais ko po na makipag bukas an po kayo sa akin sa
Isa. 48:17 / 30:21 /
-Ang Diyos po ay nangako sa atin na lagi tayong sasamahan at gagabayan. Ps. 32:8
-Ang Diyos po ang magtuturo sa atin para sa ating kabutihan
-Dahil nandun po lagi ang pag iingat ng Diyos para sa Kaniyang mga anak.

Illustration:

Soul winning po pauwi na kami, nagpahinga po kami sa isang kubo, pero "Dun sa loob ko may nagsasabi ng panganib"

Sabi ko sa isang kasama naming kabataan, check nya yung paligid namin kasi pakiramdam ko po nung time na yun, may katabi akong ahas,

2-3x nya chineck pero wala sya nakita, pero dahil sa hindi ako panatag, niyaya ko na po sila na umuwi na,

Kinagabihan, tumatakbo yung kabataang lalaki na inutusan ko na icheck yung paligid namin, pero takot siyang nagkwento na may nahuli na malaking ahas dun sa kubo na pinagpahingahan namin.

- Ililigtas ka ng Diyos sa panganib pero dapat maging aware ka.

-Tinuro na po ng ating mga pastor, sa church, sa camp, dito po sa fb live, yung mga paraan para tayo po ay gabayan ng Lord.
-Inward Witness, Inward Voice, Voice of the Holy Spirit, Audible Voice, etc. familiar na po tayo dyan.
-Pero kahit gawin sa atin ng Diyos ang mga iyan kung hindi po tayo tutugon, mag kakamali ka, masasaktan ka, at mapapahamak ka.
-Hindi po gusto ng Diyos na magkamali po tayo, o masaktan at mapahamak po tayo.
-Kaya lang po tayo nag kakamali, nasasaktan at mapapahamak dahil
1. Hindi po tayo nagtatanong sa Diyos
2. Hindi natin sinusunod yung advice Niya

- "At ang isa po na pinaka mali na magagawa mo sa buhay ay yung hindi mo i-take yung advice na sinasabi sayo ng Diyos."

At makukuha po natin ang mga advice na ito
1. Sa Salita ng Diyos (Joshua 1:8,9)
Bible - ang aklat na walang ibang ginawa ang Diyos kundi mag salita, mag kwento at mag advice
2. Sa pamamagitan ng Holy Spirit (Jn 14:26)
Siya ang magtuturo at magpapaalala ng lahat ng kalooban ng Panginoon
3. Sa Pastor Mo (Jere 3:15)
Kung hindi mo alam ang kalooban ng Diyos makinig ka doon sa nakaka alam.
"I will give you a shepherds after my own heart who will lead you with knowledge and understanding."
-sa will Niya.
-Kaya lang po tayo mag kakamali dahil hindi natin sinunod ang advice sa atin ng Panginoon.
-Katulad po ng tinuturo sa atin ni Ptr. Boy
"Concern ang Diyos sa kaginhawaan natin
Concern ang Diyos sa tagumpay natin"
Kung babalewalain mo ang advice ng Diyos mapapahamak ka.

Illustration - Prayer and Fasting (Dec 29,30)
Isa 48:17,18

Conclusion
-Dumarating satin yung time na pumapalya tayo sa instruction na sinasabi sa atin ng Panginoon.
-buti nalang hindi pumapalya ang Diyos na tayo ay patuloy na gabayan.
-Buti nalang andun ang correction Niya sa atin.
-"Kung sinunod mo lang yung payo Ko tagumpay mo sana ay sunod-sunod katulad ng alon sa dagat pagpapala sana ay tuloy-tuloy katulad ng ilog"

Dapat mabilis tayo sumunod sa sinasabi sa atin ng Holy Spirit ng sa gayon makakamtan natin ang pagpapala na tulad ng ilog at tagumpay na tulad ng alon sa dagat na sunod-sunod.

"Mararanasan mo ang kapayapaan dun sa pagsunod mo dahil nagtagumpay ka."

Loading comments...