Mateo 22:11-14 | JAN 10, 2021 | PastorB.

3 years ago
8

Nanaginip po ako kagabi lng.

May ikakasal pero di ko po kilala, isa ako sa mga abay. habang ngaayusan po ang luwag ng damit ko, hindi fit sakin tpos napansin ko may malaking butas ung damit ko sa bandang likod.

Bigla biglang tumugtog na meaning mgstart na ung kasal ..

Na-momroblema po ako pano na sira ung damit ko, nakiusap ako dun sa pinagrentahan ng damit baka pedeng paltan kxi butas ung damit saka maluwag.

Ang sbi hindi ndw pde kxi ubos na, binenta ndw sa funeral at pinasuot sa mga patay. hanggang sa lumalakad na po nilapitan ko yung ikakasal sabi ko hndi ako makakapasok sa loob kxi sira ung damit ko.

Naramdaman kong sobrang lungkot nia at umiyak xa, nalungkot din po ako at sabi ko uuwi nalang ako.

Sabi nia sayang after ng kasal ay may kainan at maraming handang masasarap na pagkain.

Nagising ako bigla umiiyak po ako, ngevaluate ako sa sarili ko bt hindi ako nakasama sa kasal, hindi ako nakapasok sa loob.

Hanggang sa isinara na po ung malaking pinto, umiiyak po ako sa sobrang panghihinayang.

Nung nagising po ako naisip ko agad ung family ko. pati mga miembro ng church.
Pinapasa ko yung burden,

it's a warning siguro hindi lang siguro sakin ,
isa lng ako sa maraming kinausap ng Diyos through panaginip.

ito ay para marami pang Kristianong nglilingkod sa Diyos. evaluate natin sarili natin. gaano na tayo kasigurado na kasama tayo sa kasal at papasok sa kaharian ng langit...

Sa panaginip ko last minute na rapture na...😔

MATEO 22
11 "Pumasok ang hari upang tingnan ang mga panauhin. Nakita niya ang isang taong hindi nakadamit pangkasalan.
12 Tinanong niya ito, 'Kaibigan, bakit ka pumasok dito nang hindi nakasuot ng damit pangkasalan?' Hindi nakasagot ang tao,
13 kaya't sinabi ng hari sa mga lingkod, 'Talian ninyo ang kanyang kamay at paa, at itapon siya sa kadiliman sa labas. Doo'y mananangis siya at magngangalit ang kanyang mga ngipin.' "
14 Pagkatapos nito'y sinabi ni Jesus, "Marami ang tinatawag, ngunit kakaunti ang pinili."

Loading comments...