Sinseridad ni PBBM, kinuwestyon ng IP leader matapos ang umano'y paglabag sa batas ng kapulisan

10 months ago
14

Plano ngayong pag-usapan ng mga lider ng mga tribo sa Mindanao ang bayolenteng paglusob ng mga PNP-SAF at CIDG sa kanilang komunidad. Ito'y sa gitna ng pagsisilbi ng warrant of arrests kay Pastor Apollo C. Quiboloy sa Tamayong, Davao City at Kitbog, Sarangani Province.

Kasabay nito, daing ng isang IP leader sa Mindanao, sinsero ba talaga si Pangulong Bongbong Marcos sa pagrespeto sa karapatan ng mga katutubo at kung mayroon pa bang batas na umiiral sa bansa ngayon? | via Jade Calabroso

Loading comments...