Gawing 5 Years ang Termino ng Local ELected Officials by Sen. Robinhod Padilla

6 months ago
5

Pagpapalawig ng Termino ng mga Lokal na Opisyal, Tinalakay sa Committee on Constitutional Amendments and Revision of Codes na pinangunahan ni Senador Robinhood Padilla
Nagsalita si Atty. Raul Corro, kinatawan ng Union of Local Authorities of the Philippines, sinabi niya na napapanahon ng baguhin ang Saligang Batas upang mapalawig ang termino ng mga lokal na opisyal.
Ayon kay Corro, napakaikli ng tatlong termino para maipatupad nang maayos ang mga programa at proyekto sa kanilang nasasakupan. "Kulang na kulang ang termino para maging epektibo sa pagpapatupad ng mga adhikain para sa kanilang mga constituent," hindi daw sila makakuha ng pension mula sa GSIS dahil 15 years ang kinakailangan.
Ipinaliwanag din ni Corro na ang pagpapalawig ng termino ay makatutulong na mapaunlad ang pamamahala at polisiya, bunsod ng mas mahabang panahon para mangibabaw sa tungkulin. Dagdag pa niya, napakamahal ng gastos sa bawat halalan sa bansa, kaya ang pagpapalawig ng termino ay makakatipid sa badyet ng pamahalaan.
Ngunit, binigyang-diin ni Ricardo Penson ng Consumer Protection Advocacy Group, na hindi dapat gawing dahilan ang limitadong termino upang makapagpension ang mga kinauukulan. "Masyadong pangmaliit na bagay ang pension package para gamitin na rason sa pagpapalawig ng termino,"
Sa kabila ng magkabilang panig, patuloy na isinasaalang-alang ng komite ang mga mungkahi upang mapabuti ang sistemang panunungkulan sa ating bansa.

Loading comments...