BAN the cellphone NOW in Public Schools! Better late than never

6 months ago
8

Sa Panayam kay Sen Win Gatchalian sa Kapihan sa Senado noong April 24, 2024 sinabi niyang kailangan na sigurong ipagbawal ang cellphone sa loob Sa kasalukuyan, ang paggamit ng cellphone ng mga mag-aaral sa K to 12 sa loob ng silid-aralan ay isa sa mga isyu na patuloy na pinag-uusapan. ng classroom. Sa kasalukuyang panunutunan ng DepEd since 2003 under DepEd Order No. 83 series of 2003 na inilabas ng DepEd Secretary Edilberto de Jesus, na pwede magdala ng cellphone sa classroom basta hindi gamitin during class hours. Kaya during recess at lunch break, panay tingin ang mga mag-aaral sa kanilang cellphone.
Sa panig ni Senador Win Gatchalian, isa itong hamon na dapat tugunan upang mapanatili ang kalidad ng edukasyon sa bansa lalo na isyu sa reading.
Ayon kay Sen. Gatchalian, ang cellphone ay hindi lamang nagiging sagabal sa pag-aaral ng mga estudyante kundi nagiging hadlang din sa kanilang tamang pag-unlad bilang indibidwal. Sa pagtutok ng mga estudyante sa mga social media platforms tulad ng Facebook, YouTube at Tiktok, at sa paglalaro ng online games tulad ng Mobile Legends at iba pa, nababawasan ang kanilang oras na dapat sana ay nakalaan para sa pag-aaral at pakikipagkapwa-tao. Ito ay maaring maging hadlang sa kanilang disiplina at hindi tamang paggamit ng oras.

Loading comments...