Tatlong araw na libreng sakay, handog ng MRT-3 at LRT-2 sa mga empleyado ng gobyerno

1 year ago
6

Inanunsyo ng pamunuan ng Metro Rail Transit line-3 o MRT-3 at Light Rail Transit o LRT-2 na magbibigay sila ng tatlong araw na libreng sakay para sa mga civil servant o empleyado ng gobyerno.

Ito ay bahagi ng pagdiriwang ng ika-123 na anibersaryo ng Philippine Civil Service.

Magsisimula ang libreng sakay sa Lunes, Setyembre a-disi otso hanggang sa a-bente.

Para maka-avail sa Free Ride Program, kailangan lamang na magpakita ng kanilang valid na government ID ang mga empleyado ng gobyerno.

Magsisimula ang libreng-sakay mula alas-siyete ng umaga hanggang alas-nuwebe ng umaga at magbabalik ng alas-singko ng hapon hanggang alas-siyete ng gabi.

#smninewsblast #newsblast #smni #smninews

Loading comments...