Tatlong dam sa Luzon, patuloy na nagpapakawala ng tubig —PAGASA

1 year ago
19

Tatlong dam sa Luzon, patuloy na nagpapakawala ng tubig —PAGASA

Lebel ng tubig sa Angat Dam at ilan pang dam sa Luzon, patuloy ang pagtaas —PAGASA

Patuloy pa rin ang pagpapakawala ng tubig ng tatlong dam sa Luzon.

Batay sa dam monitoring ng PAGASA ngayong Lunes, kasalukuyang nakabukas ang isang gate ng Ipo Dam na may 0.15 meter.

Limang gate ang binuksan sa Ambuklao Dam na may 2.50 meters at anim na gate sa Binga na may 3.30 meters.

Ang pagpapakawala ng tubig ng tatlong dam ay bunsod ng paglapit ng lebel ng tubig sa normal high water level dahil sa naranasang pag-uulan simula noong nakaraang Linggo.

Samantala, muling tumaas ang lebel ng tubig sa Angat Dam na pangunahing nagsusuplay ng tubig sa Metro Manila sa 202.23 meters na malapit na sa 210 normal high water level nito.

Maliban sa Angat, tumaas din ang lebel ng tubig sa San Roque, Pantabangan, Magat at Caliraya Dam.

Loading comments...