Sen. Robin Padilla, nangakong isusulong ang karapatan ng katutubong Pilipino sa ancestral domains

1 year ago
32

Sen. Robin Padilla, nangakong isusulong ang karapatan ng katutubong Pilipino sa ancestral domains

Sa pambansang araw ng mga katutubo, nangako si Sen. Robinhood Padilla sa mga katutubong Pilipino na kanyang poprotektahan ang kanilang karapatan sa kanilang ancestral domains.

Ginawa ni Padilla ang pangako sa pagbubukas ng eksibit tungkol sa hinabing salaysay ng mga katutubo, kung saan nakiisa at nagbigay-pugay ang Senador sa mga katutubong Pilipino.

Tampok sa eksibit ang likhang textile at tela ng mga kultural na pamayanan kasama ang Tuwali, Ifugao, Itneg, Ikalinga, Hanunuo, Mangyan, Yakan, Higaonon, Mandaya, Bagobo Manobo, B'laan, Maguindanaon, Maranao at Tausug.

Nakilahok sa eksibit sina Senador Loren Legarda, Sherwin Gatchalian, Sonny Angara, Bong Go at Cynthia Villar.

Naroon din sina Rep. Lani Mercado; DOST Secretary Renato Solidum Jr.; Rebecca Licayen ng mga T’boli; Julius Leano Jr. ng DOST Philippine Textile Research Institute; Ang asawa ni Padilla na si Mariel; at iba pang kilalang personalidad tulad nina Tim Yap, Niña Corpuz, Gladys Reyes, Juancho Trivino, Joyce Pring-Trivino, at Karla Estrada.

#smninewsblast #newsblast #smni #smninews

Loading comments...