Angat at iba pang dam sa uzon, bahagyang tumaas ang lebel ng tubig

1 year ago
54

Bahagyang tumaas ang lebel ng tubig sa Angat Dam sa nakalipas na bente kwatro oras.

Batay sa dam monitoring ng PAGASA-DOST, tumaas ng 0.85 meters ang tubig sa Angat Dam na ngayon ay nasa 181.64 meters.

Tumaas naman ng 3.79 meters ang lebel ng tubig sa Ambuklao Dam.

Maging ang Binga, San Roque, Pantabangan at Magat Dam ay bahagya ring tumaas ang lebel ng tubig dahil sa pag-uulan na dala ng bagyong Egay at habagat.

via Demi Hermozo

#smninewsblast #newsblast #smni #smninews

Loading comments...