PBBM, ipinagmalaki ang patuloy na paglago ng ekonomiya ng bansa sa kabila ng iba't ibang hamon

1 year ago
30

Sa ikalawang State of the Nation Address ni Pangulong Ferdinand 'Bongbong' Marcos ay sinalubong ito ng masigabong palakpakan sa pagpasok nito sa House plenary.

Pinangunahan naman nina Senate President Migz Zuburi at House Speaker Martin Romualdez ang joint session ng dalawang kapulungan ng Kongreso.

Sa ikalawang SONA ng Pangulo, una nitong binati sina Vice President Sara Duterte, dating Pangulo Erap Estrada, Supreme Court Chief Justice Alexander G. Gesmundo, miyembro ng diplomat sa bansa, mga gabinete nito at mga mambabatas ng dalawang kapulungan ng Kongreso.

Sa kanya namang speech, nagbalik-tanaw ang Pangulo sa unang SONA nito at mga problemang kinakaharap ng bansa, kabilang na ang inflation rate at epekto ng COVID-19 pandemic.

Una namang pinalakpakan ng mga nakaupo sa plenaryo ang pagmamalaki ng Pangulo sa paglago ng ekonomiya ng bansa sa kabila ng iba't ibang hamon.

#smninewsblast #newsblast #smni #smninews

Loading comments...