Pilipinas, nasa ika-74 na sa "Most Powerful Passport" sa mundo

1 year ago
37

Umakyat ang pwesto ng Pilipinas batay sa inilabas na pinakahuling Henley Passport Index para sa 3rd quarter ng taong 2023.

Mula sa ika- 78 ay nasa ika-74 na ang bansa sa "Most Powerful Passport" sa buong mundo.

Ayon sa datos ng International Air Transport Association o IATA, mayroong visa-free access ang Pilipinas kasama ang Armenia at Cape Verde Islands sa animnapu’t anim na destinasyon.

Samantala, nangunguna na ang Singapore passport sa "Most Powerful Passport" sa mundo.

Pinalitan nito ang Japan na humahawak sa pwesto sa loob ng limang taon.
Mayroong isang daan at siyamnapu’t dalawang destinasyon na visa-free ang Singapore batay sa datos.

Ang pinakamahinang passport naman ay ang Afghanistan kung saan mayroon lang itong dalawampu't pitong visa-free destinations.

#smninewsblast #newsblast #smni #smninews

Loading comments...