Premium Only Content
Karapatan laban sa mapanirang tsismis GRAVE ORAL DEFAMATION
Dear Atty. Cuenco,
Ano Karapatan ko laban sa mapanirang tsismis - Ana
Dear Ana,
Bagama’t ang tao ay may karapatang magsabi ng kanyang saloobin, hindi ito nangangahulugang siya ay magkakaroon ng karapatang sirain ang reputasyon ng kapwa tao, katrabaho o kumpanyang kanyang pinaglilingkuran. Marapat na kanyang igalang ang katahimikan ng buhay ng bawat indibidwal at ng kanyang pinagtatrabahuan at maging ng pamayanan. Ang taong walang pakundangang magkalat ng mapanirang tsismis ay maaaring managot sa batas.
Upang mabigyan ng bayad-pinsala ang taong biktima ng mapanirang sabi-sabi, maaaring magamit ng nasabing biktima ang probisyon ng Civil Code of the Philippines upang makapagsampa ng kasong damages laban sa taong nagkakalat ng mapanirang tsismis. Tunay na nakasisira sa maayos na samahan ang pagkakalat ng mapanirang tsismis sa pamayanan. Marapat na ang lahat ng tao ay malaman na mahalaga ang katahimikan ng indibidwal at marapat na bigyan ito ng respeto. Ang paninira ay malimit na nagiging sanhi ng kasiraan ng taong biktima nito. Kaya naman, ang batas ay nagbibigay ng karapatan sa biktima ng mapanirang tsismis na magsampa ng kasong damages sa ilalim ng Article 26 ng Civil Code of the Philippines kung saan nakasaad na:
“Art. 26. Every person shall respect the dignity, personality, privacy and peace of mind of his neighbors and other persons. The following and similar acts, though they may not constitute a criminal offense, shall produce a cause of action for damages, prevention and other relief:
(1) Prying into the privacy of another's residence;
(2) Meddling with or disturbing the private life or family relations of another;
(3) Intriguing to cause another to be alienated from his friends;
(4) Vexing or humiliating another on account of his religious beliefs, lowly station in life, place of birth, physical defect, or other personal condition.”
Kung ang nasabing paninira ay nailathala, maaaring magsampa ang biktima nito ng kasong kriminal laban sa taong gumawa ng paninira sa kanyang katauhan ng kasong Libel o Oral Defamation sa ilalim ng probisyon ng Article 354 at 358 ng Revised Penal Code. Sa Libel, kinakailangang patunayan ng biktima na nailathala ang nasabing paninira. Ang Libel ay binigyan kahulugan bilang “public and malicious imputation of a crime, or of a vice or defect, real or imaginary, or any act, omission, condition, status, or circumstance tending to cause the dishonor, discredit, or contempt of a natural or juridical person, or to blacken the memory of one who is dead.”
Bukod sa Libel na binigyang-kahulugan sa Revised Penal Code, meron ding tinatawag na Cyber Libel na binigyang-kahulugan naman ng Republic Act No. 10175, o mas kilala sa titulong, “Cybercrime Prevention Act of 2012” kung saan nakasaad sa Section 4c (4) na pinarurusahan bilang Cyber Libel ang paninirang puri sa pamamagitan ng computer system at iba pang paraang katulad nito na maaaring gawin sa mga susunod na panahon.
Kapag napatunayan ang kasong libelo, ito ay may parusang “prision correccional in its minimum and medium periods or a fine ranging from P200 to P6,000” bukod pa rito ang civil damages na maaaring hilingin ng biktima ng nasabing libelo laban sa taong gumawa nito.
Bukod sa mga nabanggit ay maaari ring magsampa ng kasong Intriguing Against Honor sa ilalim ng probisyon ng Article 364 ng Revised Penal Code kung saan isinasaad na: “The penalty of arresto menor or fine not exceeding 200 pesos shall be imposed for any intrigue which has for its principal purpose to blemish the honor or reputation of a person.”
P451E- A 451E-B
-
0:21
JC Legal Law
1 year agoSIMPLE ORAL DEFAMATION
171 -
1:32:16
jerrymcguire1985
1 year agoDefamation
388 -
7:42
GarthGaylord
1 year agoDefamation? Dangerous!
44 -
1:03
GarthGaylord
1 year agoDefamation? Anti-Government
5 -
0:01
Pronounce This!
1 year agoDefamation
3 -
1:31:17
TheCensoredArchive
1 year agoDefamation Documentary
18 -
4:02
GarthGaylord
1 year agoDefamation? Violent Confrontation
29 -
3:55
PaulGHuston
1 year agoWATER GRAVE
9 -
0:02
Pronounce This!
1 year agoDefamation lawsuit
1 -
0:02
Pronounce This!
1 year agoDefamation lawsuits
1