Pet Friendly Beach Resort for 12 Chihuahuas and 1 Persian Cat | Kabayan Beach Resort in Batangas

1 year ago
4

First time mag-beach ni Monday at ng anim na mga anak ni Zoom. First time din mag-beach ng tatlong mga anak ni Twitter at ni Taco na mga fur babies ng ate ko na si Pam at ng mister niya na si Glen. So technically, mga fur pamangkins ko sila. A total of 12 Chihuahuas and 1 Persian cat ang kasama namin sa Kabayan Beach Resort. Sa dinami-dami ng mga beach resorts sa Batangas, Kabayan Beach Resort lang ang walang kaarte-arte sa mga pets. Walang pet fee, walang deposit, walang eme. Unli-pets nga daw ang pwede, sabi ni Ms. Dalyn ng Kabayan Beach Resort.

Of course, dapat responsible fur parents tayo para mapanatiling maayos ang resort at para hindi rin sila maghigpit sa future visitors. Kailangan, palaging may baon na tissue or poop bag para sa mga pasabog ng fur babies sa paligid. Mas maganda kung yung large kubo ang ire-rent niyo katulad nung sa amin dahil maraming space para sa fur babies. Maraming food choices na pwedeng orderin mula sa kanilang restaurant. Pwede rin mag-luto dahil kumpleto sila sa gamit sa kitchen. Pwede ka rin bumili ng food and drinks sa labas without corkage fee. Ganun sila kabait.

Overall, it was a very pleasant and memorable first time experience sa beach para sa mga fur babies namin. We will definitely go back sa Kabayan Beach Resort and we highly recommend it for fur parents na may dalang fur babies.

**********************************
If you want us to feature something else, let us know. Pasosyal101 will be funding the regular giveaways with our YouTube earnings so keep watching those ads!
**********************************

YouTube: http://www.youtube.com/c/Pasosyal101
Facebook: https://www.facebook.com/pasosyal101/
Instagram: https://www.instagram.com/pasosyal_101/
Email: realpasosyal101@gmail.com
Patreon: https://www.patreon.com/pasosyal101
Kofi: https://ko-fi.com/pasosyalako

****************************

Pet Friendly Beach Resort for 12 Chihuahuas and 1 Persian Cat | Kabayan Beach Resort in Batangas

#Pasosyal101 #KabayanBeachResort #PetFriendly

Loading comments...