Isang Araw ng Saya sa 1st laguna Mobile Force Company Sports- fest Activity...

2 years ago
39

Ginanap ang kauna- unahang One Day Sports Activity ng 1st Laguna Mobile Force Company sa pamumuno ni PLTCOL Juan Byron R Leogo noong ika 13- ng Nobyembre sa Camp Sandigan Mak-ban Complex Brgy Bitin Bay Laguna na kung saan ay nagsama sama bilang isang pamilya ang lahat ng mga platoon ng ibat-ibang lugar na kanilang nasasakupan.

Naging panauhin pandangal si Vice Mayor Paul Villegas sa pamamagitan ng kanyang representative na si Mr. Jeffrey C Borbon na nagpahayag ng pag hanga sa mga ginagawang suporta ng Force Company sa bayan ng Bay

Pagkatapos ng Oath of Sportsmanship sa pangunguna ni PEMS Michael P Polisto ay nagkaroon ng parada ang bawat platoon kasama ang mga muse at leader ng kanilang team dala dala ang kani-kanilang flag at pagkatapos ay itinaas ito bilang sagisag ng simula ng laban

Ang naglaban laban sa isang araw na sportfest ay ang 1st Manuever Platoon team Panthers sa pamumuno ni PMaj Rodiard S Dela Pena, 2nd MP team Titans na pinamumunuan ni PLT Noel Gamiao at ang 3rd MP team Spartan na pinangungunahan ni
PLT Felomeno C Soriano at ang 4th MP Team wolvering sa pangunguna ni PLT Esmady B Antad.

Hindi rin nagpatalo ang team Agila ng Head Quarter ng 1LPMFC na lahat ng pwersa ng kapulisan ng bawat grupo ay nakilahok sa funshoot, tag of war , at sack race at basketball court.

Ayon kay Force Commander Leogo bagamat maulan ay hindi ito hadlang sa isang makabuluhang araw upang magkasama sama at magkaisa ang kanyang mga platoon bagamat magkakalaban sa laro may nanalo at natalo ay mas pinaigting nito ang samahan nila at mas tumibay ang Camaraderi ng unit nila.

Kasama din ang pamilya ni Force Commander sa isang boodle fight na nilahukan ng lahat ng kapulisan, advisory council, mga muse at guest

Ang hiyawan sayawan kantyawan ay nagsilbing relaxation ng bawat isa na pagkatapos ng kanilang hirap at pagod sa nagdaang bagyo at undas ay sama sama naman sa sila sa isang araw na naging family day ng First Laguna Mobile Force Company kasama ang Advisory
Group na lagi nandyan at nakasuporta sa kanila.

Pagkatapos ng awarding sa mga nagkamit ng gantimpala sa mga nanalo ay sumunod ang happy Hour na kung saan ay nagkaroon ng celebration sa mga may kaarawan ng buwan ng Octobre.

PANUORIN HANGGANG DULO

Loading comments...