BREAST AND CERVICAL CANCER SCREENING SA SAN PABLO CITY DINAYO NG MGA KABABAIHAN

2 years ago
26

BREAST AND CERVICAL CANCER SCREENING SA SAN PABLO CITY DINAYO NG MG KABABAIHAN

San Pablo City- Naging matagumpay ang naganap na Free Screening at Check kaugnay sa breast and Cancer Prevention Laguna sponsor ng Rotary Club of Makati sa pakikipagtulungan ni kaagapay si Vice Gov Karen Agapay.

Bago ang screening para sa 100 na kababaihan na dumalo ay nagbigay ng awarenes ang Director ng Philippine Cancer Society, Romeo Macaida na kung saan ay natututo ang mga ito patungkol sa Cancer kung papano ito maiiwasan katulad ng tinatawag na SSS Sariling Salat sa Suso ito ay upang maagang madetect ang mga bukol kung merun man at maipasuri ng maaga upang maiwasang lumala at maging cancer .

Nagkaroon din ng pagpapakilala sa mga dumalo na mga miembro at oficial ng Rotary Club of Makati na nagmula pa sa ibat -ibang bayan na sumusuporta sa programang ito patungkol sa breast at cervical cancer awareness.

Sa event na na ito ay nalaman ng lahat ang main source ng cancer ay ang hormonal inbalance at stress na kung saan ay mas lalo magiging matapang at maingat ang mga kababaihan papano nilalabanan ito lalo na yung may post cancer diagnosis.

Ang breast and cervical cancer prevention screening ay libre at maging ang operation sa mga may dapat operahan ay libre na din

Kasama ang ilang binibini ng Miss world na sumusuporta sa mga ganitong gawain .

Pasasalamat ang hatid ni Vice Governor Karen Agapay sa suporta ng Rotary Club na nagsagawa ng programa kasama ang Philippine Cancer Society at sa pamunuan ni Hon. Mayor Vic Amante at Mayora Gem Castillo.
#sanpablocity
#sanpablolaguna

Loading comments...