ISANG MATAAS NA OPISYAL IDINAWIT SA KONTROBERSYAL NA PAGKAWALA NI JOVELYN GALLENO

2 years ago
1

PINILIT?│ ISANG MATAAS NA OPISYAL SA PAMAHALAANG PANLUNGSOD NG PUERTO PRINCESA, IDINAWIT SA KONTROBERSYAL NA PAGKAWALA NI JOVELYN GALLENO

[ UPDATED ] Ibinulgar ng pamilyang Galleno sa programa sa Radyo ni Senador Raffy Tulfo ngayong araw na may isang mataas na opisyal ng pamahalaang panlungsod ng Puerto Princesa ang may kinalaman di umano sa isyu ng pagkalawa ni Jovelyn Galleno.

Sa programang Wanted sa Radyo, sinabi ni Jocelyn Galleno na nakausap ng pamilya ang isang suspek na si Leobert Dasmariñas matapos nitong hilingin na makausap ang buong pamilya kahapon, August 31, 2022.

Sa kwento nito kay Senador Tulfo, ibinunyag ni Leobert ang ginawang pananakit di umano sa kanya habang nakakulong.

Nang tanungin ng pamilya kung sino iyon, ay direktang sinabi daw ni Leobert na ang isa sa di umano’y sangkot sa “pag-torture” sa kanya ay si City Information Officer Richard C. Ligad.

Nang tanungin kung sino ang iba pa ay hindi niya daw mamukhaan pero natatandaan niya lamang ay ang opisyal.

Sa kwento pa nito, takot na takot siya dahil sinasaktan, binubogbog at tino-torture siya.

Sinabi ni Jocelyn Galleno kay Senador Raffy Tulfo na may nakita siyang mga pasa ni Leobert at bagong sugat sa katawan.

#jovelyngalleno
#jovelyngallenoupdate #jovelyngallenoupdate #subscribe

Loading comments...