Christmas 2019 At The SM Store SM Megamall

5 years ago
2

Ito na yata ang pinaka-Paskong video na nagawa ko sa buong buhay ko. Lahat ng klase ng Christmas decor, nakita ko na. Sa sobrang dami, wala akong nabili dahil wala akong napili. Si mommy naman, unti-unti daw muna para hindi ma-shock ang bahay.

Sa sobrang aga ng Pasko sa SM, naunahan pa ang Halloween. Dapat mga aswang muna ang display nila. Sana naglambitin muna sila ng mga manananggal sa gitna at nag-tayo ng mga nitso sa paligid. Halloween daw muna kasi.

Pero dahil Pinoy tayo, mas mahalaga daw ang Pasko kesa Halloween. I'm sure sa 3rd floor ng Department store ilalagay yung mga pang-Halloween, pati na sa Toy Kingdom. Ganun naman palagi.

Anyway, mas mabuti na nga na magsimula ng maaga sa pagde-decorate para sulit ang pagod. Haggard kaya magset-up ng Christmas tree tapos saglit lang naman. Pwes, simulan ng September para isang quarter ang Christmas celebration. Bakit kamo? Eh bakit naman hindi? Eh kasi nga Pinoy tayo, di ba?

____________________________________________

Now that Pasosyal101 is earning from your views, we will be funding our regular giveaways with our YouTube earnings so keep watching those ads!

If you want us to feature fancier stuff, you can support us by being a sponsor through Patreon: https://www.patreon.com/pasosyal101

YouTube: http://www.youtube.com/c/Pasosyal101
Facebook: https://www.facebook.com/pasosyal101/
Instagram: https://www.instagram.com/pasosyal_101/
Email: pasosyal101@gmail.com
Patreon: https://www.patreon.com/pasosyal101

#Pasosyal101 #TheSMStoreMegamall #TheSMStore

Loading comments...