KOMIKET 2020 | SM Megamall Megatrade Hall

4 years ago
10

KOMIKET. Hindi Comicon. Ito ang lugar kung saan nakakahiyang tumawad. Lahat ng makikita mo dito ay pinaghirapan, pinag-isipan at talaga namang pinag-puyatan. Kahit naman ako, ayokong tatawaran na parang isda sa palengke ang isang bagay na pinaghirapan kong gawin. Ang talent at creativity ay hindi matatawaran. Kahit automatic na sa ating mga pinoy ang tumawad, sa tingin ko ay hindi ito dapat applicable sa mga ganitong bagay. Baka matampal ka ng komiks na nakabilot kapag nagpumilit kang tumawad dito kaya tumigil ka. Maingay, masikip pero masaya at exciting ang Komiket event na ito.

Kung ako ang tatanungin, dapat ay i-encourage ang mga kabataan ngayon na magbasa ng komiks. Mas malawak, mas malalim at mas makulay ang isip at bokabularyo ng mga taong nagbabasa ng komiks. Napansin ko kasi sa mga kabataan ngayon, masyadong limitado ang utak. Kung kailan nagkaroon ng Google, saka naman mas lalong naging tamad. Samantalang kami dati nung nag-aaral, kanya-kanyang baon ng pocket dictionary at sa library ang research. Ang karamihan ng mga bagets ngayon, simpleng spelling nalang ay barok pa. Simpleng sentence construction, sabog-sabog pa. Pero ang galing sa mga nakaka-bobong meme at mga walang sense na "shookt', "flex", "lit", "Skrrrt", "Sksksksks". Tsk! Tsk! Tsk!

Minsan nga, hindi ko na alam kung sinong may dipirensya. Kung ang estudyante ba, ang teacher or ang school. Ang ibang estudyante, given na tamad talaga. Ang ibang teachers naman, tamad din magturo dahil mas busy sila sa sideline or sa sariling YouTube channel nila. Ang ibang schools naman, minsan na nga lang makumpleto ang isang buong linggo na may pasok. At kung may pasok naman, puro event, puro pasayaw sa estudyante or kung ano-anong kalechehan ang alam. Nakalimutan nilang magturo pero hindi nila nakakalimutang maningil ng tuition fee. Eh parang nag-enroll lang sa dance class yung mga estudyante eh. Pag-graduate nila, magaling na silang sumayaw at kumembot. Pwedeng na silang new generation ng sexbomb dancers sa totoo lang. Graduate sa kalandian.

Ang point ko lang, mas may edge ang mga taong nagbabasa ng komiks dahil mas may karakter at mas malawak ang pag-iisip nila. Am I right or am I right? I know right?

___________________________________________

Now that Pasosyal101 is earning from your views, we will be funding our regular giveaways with our YouTube earnings so keep watching those ads!

If you want us to feature the fancy stuff, you can support us by being a sponsor through Patreon: https://www.patreon.com/pasosyal101

YouTube: http://www.youtube.com/c/Pasosyal101
Facebook: https://www.facebook.com/pasosyal101/
Instagram: https://www.instagram.com/pasosyal_101/
Email: pasosyal101@gmail.com
Patreon: https://www.patreon.com/pasosyal101

#Pasosyal101 #Komiket2020 #Komiket

Loading comments...