METRO MANILA Streets On BREAK

4 years ago
1

Hindi nako magbabanggit ng ikaka-panic ng kahit sino muna. Mejo windang pa kasi ang lahat dahil sa mga kaganapan at sari-saring pangyayari. At mejo OA kasi si YT lately sa mga videos na may kinalaman sa "alam niyo na".

So umikot kami around Pasig, Mandaluyong and Quezon City bago mag 8pm ngayong March 15, 2020. Alam ng lahat kung anong meron simula sa araw na ito. Kung hindi niyo alam, hindi ko na alam kung saang kweba kayo nakatira. Basta ayoko na magbanggit. Alam niyo na siguro ang dapat niyong gawin. It's all over the media at lalong-lalo na sa social media.

Ito lang ang masasabi ko. Hindi namin maiikot ang lahat ng inikutan namin sa video na ito ng ganun kabilis at kaluwag on a normal Sunday kung saan lahat ng tao ay naka-restday at namamasyal sa buong Metro Manila. So alam niyo na. May something talaga. Nagsi-uwian sa probinsya ang mga tao para umiwas sa "alam niyo na". Yung iba naman, hindi na muna makakapasok sa Metro Manila for 1 month unless dito sila nagtatrabaho. Kailangan may ID with address sila. At ang balita ko, dapat may certificate of employment pa. Good luck kung makarating pa sila on time sa trabaho sa haba ng pila sa mga boundaries. Siguradong problema na naman yan dahil maiipon sila at magkakadikit-dikit. Not to mention, magkaka-amuyan at magkaka-hingahan. So paano naging mas safe ang ganung eksena, diba?

And by the way, magsasara muna ang mga malls sa buong Metro Manila para maka-iwas sa "alam niyo na". So kung bored kayo dahil hindi kayo makalabas or wala kayong mapuntahan, sumama nalang kayo sa mala-The Flash namin na pag-iikot bago ang "alam niyo na"! Yes, yun nga. Kung ano man yun.

__________________________________________________

Now that Pasosyal101 is earning from your views, we will be funding our regular giveaways with our YouTube earnings so keep watching those ads!

If you want us to feature the fancy stuff, you can support us by being a sponsor through Patreon: https://www.patreon.com/pasosyal101

YouTube: http://www.youtube.com/c/Pasosyal101
Facebook: https://www.facebook.com/pasosyal101/
Instagram: https://www.instagram.com/pasosyal_101/
Email: pasosyal101@gmail.com
Patreon: https://www.patreon.com/pasosyal101

#Pasosyal101 #MetroManila #WalangPasok

Loading comments...