A QUIET PLACE: Metro Manila Today

4 years ago

Ito ang pinakamahabang linggo dahil hindi ako nakalabas ng 1 week. Hindi naman ako nagrereklamo kasi work-from-home ako. Hindi lang talaga normal ang pakiramdam sa paligid dahil alam mong may nagaganap na lagim. Sana lang, matapos na ang lagim. Yung ibang kakilala ko, parang nababaliw na. Kung ano-ano na ang pino-post sa FB. Grabe. Yung iba, super sensitive na. Nakaka-stress.

Kaya nga kahit papano ay nakaka-refresh lumabas para bumili ng mga kailangan. Sa sobrang refreshing, nakarating na ako sa Ortigas Center, Crossing, Kalentong, Acacia Lane, Boni Ave., Guadalupe, Buendia, Salcedo, Ayala Ave., Malibay, SM Mall of Asia, Tiendesitas at Eastwood City. Ang lahat ng ito, naikot ko sa loob lang ng 2 hours. Parang mejo nasobrahan ng pagka-refresh. North, East, West at South ang napuntahan ko pero nakalimutan ko pala mag-grocery. Mcdo na drive-thru at Mercury Drug lang ang na-accomplish ko. Bukas nalang ako ng tanghali pupunta sa All Day Supermarket sa may Eastwood City para walang pila masyado. Kung sa umaga kasi ako aalis, baka makarating ako sa SM North.

Ito na siguro ang isa sa mga pinaka-memorable na eksena para sa akin. Hindi lahat ay nabibigyan ng pagkakataon na maranasan ang mag-drive sa kahabaan ng EDSA na halos walang kasabay. Kahit pa alam kong may lagim na nagaganap sa buong mundo, nagpapasalamat pa rin ako dahil nagawa ko ito in this lifetime. Please lang, huwag niyo akong awayin. Konti pa nga lang ang subs, baka bashers pa yung iba. Charot!

__________________________________________________

Now that Pasosyal101 is earning from your views, we will be funding our regular giveaways with our YouTube earnings so keep watching those ads!

If you want us to feature the fancy stuff, you can support us by being a sponsor through Patreon: https://www.patreon.com/pasosyal101

YouTube: http://www.youtube.com/c/Pasosyal101
Facebook: https://www.facebook.com/pasosyal101/
Instagram: https://www.instagram.com/pasosyal_101/
Email: pasosyal101@gmail.com
Patreon: https://www.patreon.com/pasosyal101

#Pasosyal101 #WorkFromHome #EmptyEDSA #MetroManila #WalangPasok

Loading comments...