THANK YOU To Our SILENT FRONTLINERS In PASIG

4 years ago
22

Sila yung inaabangan tuwing umaga. Minsan may tugtog, minsan wala. Sa panahon ng lagim, isa sa pinaka-importanteng bagay na gawin ay panatilihing malinis ang loob at labas ng bahay. Sila ang dahilan kung bakit napapanatili ang kalinisan sa kapaligiran.

Kahit madalas gawing panakot ng mga magulang sa mga anak na tamad mag-aral ang ganitong propesyon, sa totoo lang, hindi dapat. Marangal na trabaho ang pagiging basurero. Yun nga lang, kulang sa benepisyo, maliit ang sweldo at talaga naman pinandidirihan ng lahat.

Bakit yung ibang kababayan natin, naga-abroad pa para maging basurero? Nakakapag-patayo ng bahay, nakakapag-patapos ng mga anak sa kolehiyo at nakakapag-pundar ng mga ari-arian dito ang mga basurero sa abroad. Sana, ganun din ang mga napapala ng mga basurero natin dito sa sarili nating bayan. Baka madagdag sa listahan ng pangarap ng mga bata ang maging isang basurero kung ganun ang eksena.

Salamat din sa mga bumbero ng Pasig dahil tuwing malalim na ang gabi at ang lahat ay mahimbing na natutulog, sila naman ay umiikot sa mga lansangan upang mag-disinfect ng mga kalye at mga harapan ng bahay gamit ang mga fire trucks at hose. Kapag dumadaan sila, mejo amoy bleach na malabnaw ang paligid. Hindi masakit sa ilong pero amoy bagong laba. Amoy fresh. Pag-gising ng lahat, amoy labada na ang buong paligid. Patay na rin ang kung ano mang germs at virus na nagkalat sa haba ng gabi.

Maraming salamat po. Kung wala po kayo, baka mga influencers na naubusan ng content at mga artistang walang career ang gumagawa ng trabaho niyo sa mga panahong ganito..

#Pasosyal101 #StayAtHome #Frontliners #WorkFromHome

Loading comments...