Experiencing the "New Normal" Around Metro Manila

4 years ago
1

"It takes about 21 days to form a new habit". Isang quotable quote lalo na sa mga panahon ngayon. March 15, 2020 pa nung nagsimula ang lagim. Dapat, sanay na tayo sa mga bagong eksena sa paligid. Yung iba kasi, puro reklamo. Siguro nung simula, isa rin ako sa kanila. Pero dahil Pinoy tayo, madali tayong maka-adapt sa bagong pamumuhay.

Kahit saan ka magpunta ngayon, dapat may face mask. Aminin naman natin na ang tunay na lagim ay naamoy na natin sa loob ng ating mga face mask. Yung iba, pinagbintangan pa yung face mask. Mabaho daw at baka fake. So bumaho yung face mask nung sinuot? Sige na nga. Baka nahulog sa imburnal bago sinuot kaya bumaho.

Anyway, marami pa rin ang pasaway kaya sa tingin ko, matagal-tagal pa tayong ganito kaya mejo masanay na tayo. Masanay na rin tayong mag-toothbrush regularly para hindi naman tayo nahihilo. Mainit na nga, mahaba na nga ang pila, mabaho pa ang face mask. Dapat pala, may kasamang toothbrush at toothpaste sa mga pinapamigay na ayuda, diba?

____________________________________________________

Now that Pasosyal101 is earning from your views, we will be funding our regular giveaways with our YouTube earnings so keep watching those ads!

If you want us to feature something else, mag-ambag naman kayo. Charot! You can support us by being a sponsor through Patreon: https://www.patreon.com/pasosyal101

YouTube: http://www.youtube.com/c/Pasosyal101
Facebook: https://www.facebook.com/pasosyal101/
Instagram: https://www.instagram.com/pasosyal_101/
Email: sirenspeaks@gmail.com
Patreon: https://www.patreon.com/pasosyal101

#Pasosyal101 #NewNormal #NewNormalManila

Loading comments...