NEC Vintage and Collectibles Store in Kamuning, Q.C.

4 years ago
77

Hindi ito another Ukay-Ukay or Japan Surplus Shop. It's a Vintage Shop. Actually, Vintage warehouse na nga siya sa sobrang puno. Punong-puno ng mga vintage items dito sa Northwest Estate and Collectibles​. Nakakalula sa dami, lalo ng ang mga vinyl at cassette tapes. Kumpara sa ibang Japan Surplus shops at mga Ukay-Ukay na next to basura na ang quality ng paninda, well-maintained ang mga tinda dito kahit more than 3 decades na ang tanda ng ibang items dito. Mas organized din ang mga tinda dito dahil parang library ng mga vinyls. Grabe. Sa sobrang dami, hindi ko alam kung saan ako magsisimula at kung kailan ako matatapos. Baka kasi may sulok akong hindi mahalukay, hindi ako makatulog. Baka nga naman andun nagtatago ang hinahanap kong vinyl records, CD or cassette tape.

Hindi ko rin alam kung bakit bigla nalang akong nahilig sa vinyl, samantalang di hamak na mas mahal at mas mahirap hanapin ito kumpara sa CD or sa MP3 file. Siguro mas exciting lang yung feeling na hindi mo alam kung may mahahanap ka bang mga plaka na gusto mo. At kapag nahanap mo iyon, may kakaibang pakiramdam na para bang may na-accomplish ka. May sense of fulfillment kahit na vinyl lang yun. Napaka-convenient naman kasi ng CD at lalo na ng MP3.

Kaya siguro mas maigsi ang pasensya ng mga kabataan ngayon dahil hindi nila naranasan maghanap ng libro sa library. Ganun din kasi ang concept ng vinyl records. Puro nalang sila Google. Lahat nalang, inasa kay Google. Kaya parang sumasaya ako lately kasi walang masyadong kaagaw na mga kabataan sa vinyl. Ang kalaban mo, yung mga GenX at Xennials na katulad ko naTitos and Titas of Manila (kahit yung iba, tanders na, sa totoo lang). Pero mas tolerable naman kasi mas patient tayo, diba?

And by the way, hindi mura ang vinyls kumpara sa CD at MP3. For example, yung first album ni Regine Velasquez in vinyl, hindi bababa sa 10k ang halaga. Yes, sampung libong piso! Yung 2nd album niya na "Nineteen '90" in vinyl, 20k kung sealed. Yes, dalawampung libong piso lang naman! I know right! Mas mahal ang mga OPM na vinyl ng di hamak kumpara sa foreign artists kasi hindi ganun kadami. Yung mga Mariah Carey na sealed, 5k na yata ang pinakamahal na vinyl. Maarami pa rin naman ang murang vinyl lalo na sa Facebook Live Selling nila. Pero kahit ano pa man yan, kailangan mo talaga ng budget dahil kung wala, anjan naman si Youtube, naghihintay lang. Which is mas praktikal naman sa panahon ngayon.

Sige na nga. Tama na muna ang pagbili ng vinyl. Youtube muna para tipid-tipid. Unless, of course, may makita akong worth it talaga at rare katulad ng 3rd album ni Regine na "Tagala Talaga" in vinyl.

NEC Facebook: https://web.facebook.com/Northwest-Estate-and-Collectibles-166194386769424/?ref=page_internal

__________________________________________________

Now that Pasosyal101 is earning from your views, we will be funding our regular giveaways with our YouTube earnings so keep watching those ads!

If you want us to feature something else, mag-ambag naman kayo. Charot! You can support us by being a sponsor through Patreon: https://www.patreon.com/pasosyal101

YouTube: http://www.youtube.com/c/Pasosyal101
Facebook: https://www.facebook.com/pasosyal101/
Instagram: https://www.instagram.com/pasosyal_101/
Email: sirenspeaks@gmail.com
Patreon: https://www.patreon.com/pasosyal101

#Pasosyal101 #VintageManila #Plaka #OPMvinyls

Loading comments...