Craftsy Seeds - Plantitos & Plantitas Of Manila

4 years ago
61

Simula nung magkaroon ng lagim nung March 2020, napilitan ang lahat na mag-stay lang sa loob ng kanya-kanyang bahay. Bukod sa takot na mahawa, mas takot yata sila na mahuli ng mga sundalo at pulis. Mahal talaga ma-ticketan. Ipapang-Shopee at Lazada mo nalang, mapupunta pa sa pambayad ng fine dahil lang sa hindi ka mapirmi sa bahay. Nalibot na nga natin ang lahat ng mga sulok ng bahay pero parang may kulang pa rin. Bored ka ghorl?

Sino ba ang hindi na-addict sa mga #TikTokChallenge na yan. Well, ako lang yata. Dumating sa point na scroll ka nang scroll sa FB tapos puro Savage Love na TikTok ang nakikita mo. 'Muntanga lang. Kaloka! Pero sa akin lang yun ha! May mga friends kasi ako na nagpost din ng ganung videos. Nakaka-aliw kasi hindi bagay dun sa iba. "Muntanga talaga. Hahaha!

Marami rin ang mga naging instant chef na hindi mo inakala. Yung iba, dinaan lang sa magandang pictures pero yung sa iba, made from scratch talaga. May hidden talent pala sa paguluto at sa pagbe-bake. Yung iba nga, naging bagong negosyo na ang pagluluto. Kaya nga todo #SupportSmallBusiness kami!

At ito namang Zoom, gamit lang namin sa quarterly online meetings for the past 3 years. Pero ngayon, may mga nagiinuman na at nagla-liveshow pa gamit ang Zoom! So alin ka sa dalawa?

Yung iba naman, nangawit ang mga kamay sa kakagawa ng Dalgona coffee na nakaka-palpitate sa tapang. May mga sumubok ng Dalgona Milo at Dalgona Green Tea pero sadyang hindi nag-click at saglit lang dito sa atin ang Dalgona trend na yan. #MilkTeaForever at #MilkTeaIsLife pa rin daw!

Tapos bigla nalang dumagsa ang mga #Plantitos at #PlantitasOfManila from nowhere! Pati ang mga ligaw na damo sa mga bangketa at mga dahon-dahon sa likod-bahay, ginawan ng issue at binenta ng mahal. May mga nasirang pagkakaibigan at may mga nagsaulian ng kandila dahil sa mga tanim na ipinagdamot at mga halaman na ninanakaw.

Ako naman, mas masasabi kong may green thumb na ako dati pa. Madali akong magpatubo ng halaman. Minana ko ang talent na ito mula sa aking lola na I know you're looking down from heaven. Ako kasi ang utusan niya sa pagbubungkal, pagdidilig at pag-uusog ng mga halaman sa bahay namin simula pa nung bata ako. No choice pala kaya napilitang matuto.

Umorder nga pala ako ng maraming plastic pots sa #Shopee para ma-replant ko na ang daan-daang Aloe Vera plants ko na nagsimula sa isang tanim lang. #SaTotooLang

Konti-konti nalang pala, #3KSubs na tayo! Magsasama ako ng plants from Craftsy Seeds (c/o Ms. Pauline) at ng mga sariling Aloe Vera ko sa mga ipapa-raffle. Gusto niyo yun? Gusto ko yun! Oo nga pala, #RIPKweenLloyd

___________________________________________________

Now that Pasosyal101 is earning from your views, we will be funding our regular giveaways with our YouTube earnings so keep watching those ads!

If you want us to feature something else, mag-ambag naman kayo. Charot! You can support us by being a sponsor through Patreon: https://www.patreon.com/pasosyal101

YouTube: http://www.youtube.com/c/Pasosyal101
Facebook: https://www.facebook.com/pasosyal101/
Instagram: https://www.instagram.com/pasosyal_101/
Email: sirenspeaks@gmail.com
Patreon: https://www.patreon.com/pasosyal101

#Pasosyal101 #PlantitosOfManila #PlantitasOfManila

Loading comments...