Ang Bagong Pasosyal...

4 years ago
7

Sa totoo lang, matagal na naming pinaplano na kumuha ng isang babaeng Chihuahua para magka-anak naman si Viber. Sayang ang lahi niya dahil matalino, mabait at malambing. Para na rin naming anak si Viber kaya kung magkaka-anak siya, bale mga apo namin yun. Sa wakas, may nakita akong mga cute na Chihuahua na binebenta sa FB page ng HomeGrown Kennel. Kamukhang kamukha ni Viber at napaka-likot sa posted videos.

Mabilis at madaling kausap si Sir Rey kaya madali rin kaming nakapagdesisyon na sa kanya na kumuha agad-agad. As in wala pang 1 hour, done deal na at for meet-up na sa Farmers Garden sa Cubao the next day. Maganda ang quality ng mga binebenta nilang mga Chihuahua at hindi basta basta lang. Pati ang photos nila, malinaw at pang-model ang dating dahil naka-pose ang mga doggies. Kumpleto sa mga papeles, vaccination records at tips kung papaano sila aalagaan. Very professional talaga.

Knowing Viber, mejo irita siya sa mga asong makukulit. Pero wala siyang choice ngayon kundi maging close sa bagong miyembro ng pamilya namin dahil siya ang magiging ina ng kanyang mga supling. Next year pa pwedeng magbuntis si bulinggit kaya dapat, ma-train namin siya katulad ng training kay Viber.

___________________________________________

Now that Pasosyal101 is earning from your views, we will be funding our regular giveaways with our YouTube earnings so keep watching those ads!

If you want us to feature something else, mag-ambag naman kayo. Charot! You can support us by being a sponsor through Patreon: https://www.patreon.com/pasosyal101

YouTube: http://www.youtube.com/c/Pasosyal101
Facebook: https://www.facebook.com/pasosyal101/
Instagram: https://www.instagram.com/pasosyal_101/
Email: sirenspeaks@gmail.com
Patreon: https://www.patreon.com/pasosyal101

#Pasosyal101 #NewPuppy #ChihuahuaPuppy

Loading comments...