Autosweep RFID in 5 Minutes!

4 years ago
34

Sa panahon ngayon, masaya na talaga akong makakita ng isang lugar na walang pila. Lahat nalang kasi, may pila. Kapag papasok sa mall, may pila dahil sa contact tracing forms. Sa mga restaurants, pila pa rin dahil hindi pwedeng mapuno ang dine-in. Sa Starbucks, may pila rin dahil maraming pasosyal katulad ko. Pero ang pinakamatinding pila sa lahat, ang pila para sa RFID installation. Hindi ako magtatangka na pumila, kahit sa hinagap man lang. Ayokong maabutan ng end of the world sa pila ng pa-RFID! Kahit yung mga 24 hours na gas stations, may pila pa rin kahit madaling araw para lang sa RFID na yan. Mabuti nalang talaga at may Autosweep RFID booth pala sa Newport Mall sa Resorts World Manila na WALANG PILA. Sa loob lang ng 5 minutes, tapos na ang lahat ng proseso. Hindi ako makapaniwala. Feeling ko, joke lang siya pero sa totoo lang, totoo siya. FREE PARKING po sa Resorts World Manila. Baka feeling nung iba, gagastos pa sila sa parking fee. Uulitin ko po. FREE PARKING FOREVER sa Resorts World Manila. Sugod na sa RWM kung ayaw mong mag-birthday sa pila para lang sa Autosweep RFID na yan! Sana magkaroon din sila ng Easytrip RFID booth sa Resorts World Manila, no?

___________________________________________________

Now that Pasosyal101 is earning from your views, we will be funding our regular giveaways with our YouTube earnings so keep watching those ads!

If you want us to feature something else, mag-ambag naman kayo. Charot! You can support us by being a sponsor through Patreon: https://www.patreon.com/pasosyal101

YouTube: http://www.youtube.com/c/Pasosyal101
Facebook: https://www.facebook.com/pasosyal101/
Instagram: https://www.instagram.com/pasosyal_101/
Email: sirenspeaks@gmail.com
Patreon: https://www.patreon.com/pasosyal101

#Pasosyal101 #AutosweepRFID #ResortsWorldManila

Loading comments...