Xiaomi Mi Robot Vacuum-Mop P

4 years ago
1

Bago namin mabili ang Mi Robot Vacuum-Mop na ito., hindi ko maintindihan at lalong-lalo na hindi ko matanggap kung bakit saksakan ng mahal ang vacuum cleaner na ito. Meron namang mga kaparehas pero di hamak na mas mura. Pero nung nasubukan na namin ito, na-gets ko na kung bakit mas maganda siya at mas sulit kumpara sa mga mas mura. Mas smart siya at mas high-tech. Mas madaling linisin ang sahig ngayon at hindi na namin kailangan tumuwad-tuwad para abutin ang mga ila-ilalim. Ibig sabihin, hindi na maiipon ang mga alikabok at mga chismis sa mga ilalim ng mga sofa, cabinet, shelves at mesa dahil halos lahat ay kaya niyang marating, kahit kasulok-sulukan pa. Nakakatuwa pa kasi naiirita sila Zoom at Viber sa tuwing aandar na ang Robot Vacuum-Mop na ito. Sinusundan nila at minsan, kinakahulan. Sulit naman siya at magandang investment. Madali lang din siyang i-connect sa Xiaomi Home App para ma-control, ma-monitor at ma-schedule mo ang paglilinis niya.

__________________________________________________________________

Now that Pasosyal101 is earning from your views, we will be funding our regular giveaways with our YouTube earnings so keep watching those ads!

If you want us to feature something else, mag-ambag naman kayo. Charot! You can support us by being a sponsor through Patreon: https://www.patreon.com/pasosyal101

YouTube: http://www.youtube.com/c/Pasosyal101
Facebook: https://www.facebook.com/pasosyal101/
Instagram: https://www.instagram.com/pasosyal_101/
Email: sirenspeaks@gmail.com
Patreon: https://www.patreon.com/pasosyal101

#Pasosyal101 #MiRobotVacuumMop #RobotVacuum

Loading comments...