Unboxing: Portable Oxygen Concentrator

3 years ago
18

So nangyari na ang kinatatakutan kong mangyari sa akin. Bumili kami sa isang chinese restaurant ng lumpiang shanghai, yang chow rice, at pansit na chami. Tapos may lechong manok pa from Baliwag para kina Viber at Zoom. Nung kinakain ko na sa bahay, wala akong nalalasahan masyado sa yang chow, shanghai at chami. Kinabahan na ako ng slight kaya nakitikim ako sa lechong manok nila Viber. Syet! Wala pa rin siyang lasa, teh! Pinagpawisan na ako. Kumuha ako ng maliit na bawang sa kitchen tapos inamoy ko. Parang halos wala na akong maamoy sa bawang na kinuha ko. OMG! Huwag naman sana. So ang ending, wala pala talagang lasa ang nabili namin sa Lido Cocina Tsino sa Pasig sa hindi ko alam na dahilan. Hayop ka, chef kung sino ka man! Yung bawang naman na inamoy ko, tuyot na pala yung loob niya kasi hindi ko nagamit ng ilang linggo kaya nahagard na siya. Hay grabe! Nakaka-stress.

Kakamatay pa naman ng isa sa mga friends namin a few weeks ago dahil sa lagim. Yes, deds na si mareng Ayah aka Pepa (Pepa's 35th Birthday At Astoria Plaza). Huhuhu! As in ang bilis ng pangyayari. Nahirapan na siyang huminga at bumaba na nang bumaba ang oxygen level niya. Nag-zero na actually nung nasa ambulance pa lang. Ni-revive nalang siya ng ilang beses pero wala pang 24 hours, na-deds na siya nang tuluyan. Hay buhay! So ayun, bigla kaming tinamaan ng takot lahat. Tapos sunod-sunod na sa mga kamag-anak ng mga friends namin ang mga na-deds din dahil sa lagim. Hindi pwede to! Kailangan tumagal ng 100 years!

Sa takot, napabili kami ng maliit na oxygen tank set kaso parang hindi sya pwedeng pang-matagalan. Ang layo ng pa-refillan ng oxygen dito so napaka-hagard para ma-refill nang paulit-ulit ang oyxgen tank na maliit. Tapos biglang sinabi pa sa balita na nagkakaubusan na ng mga oxygen tanks dahil nag-panic buying ang mga tao. Pati ang mga mamahalin na oxygen concentrator, nauubos na daw. May ganun pal? Hindi namin alam! Para siyang nebulizer pero oxygen ang nilalabas niya. Ibig-sabihin, unlimited oxygen! So naghanap kami agad online ng mga medical supplies shops sa Pasig at Mandaluyong. As in pinuntahan namin sila isa-isa pero mga out of stock na. Mabuti nalang at naka-abot pa kami sa www.medicalshop.ph. From 100 units, 10 nalang ang natira within 24 hours so umabot pa kami. Investment din naman ito kahit 24k++ siya. Buhay mismo ang nakataya dito at hindi lang basta kung anong kabuhayan.

Bagong kasabihan ngayong may lagim sa kapaligiran: Aanhin mo pa ang datung kung tegi na at naka-kabaong?

___________________________________________________________

Now that Pasosyal101 is earning from your views, we will be funding our regular giveaways with our YouTube earnings so keep watching those ads!

If you want us to feature something else, mag-ambag naman kayo. Charot! You can support us by being a sponsor through Patreon: https://www.patreon.com/pasosyal101

YouTube: http://www.youtube.com/c/Pasosyal101
Facebook: https://www.facebook.com/pasosyal101/
Instagram: https://www.instagram.com/pasosyal_101/
Email: sirenspeaks@gmail.com
Patreon: https://www.patreon.com/pasosyal101

Unboxing: Portable Oxygen Concentrator

#Pasosyal101 #OxygenConcentrator #PortableOxygen

Loading comments...